Reblogged from Fierce and Fearless

katatapos lang nga caroling sa Novaliches.. maraming salamat po sa mga taga-San Isidro Parish..

themagicaltypewriter:

There is a beauty in a whisper,
That only a lovers words can administer;
There is love in darkness,
That only a lovers arms can register;
And there is sanctuary in broken,
That only a lovers heart can muster,
That only an open heart can listen to,
That only trust can bind to.

“At times, defeats are necessary.  It is just a further impetus for growth.  Don’t let it pull you down.  And it should not prevent us from moving forward.”

City Jail (Part 2)

Minsan mang tumalab ang sumpa ng City Jail, ngayo’y pilit ko na itong nilalabanan. Pilit tinatalikuran at pilit binabasag ang sumpa. Hahah. Salamat sa mga bunso kong kapatid na patuloy na nagpapaalala sa aking bumangon muli at huwag magmukmok. Salamat sa inyo BunsoJeane at BabybunsoTin.

City Jail. Sa pagpasok ng buwan ng Disyembre, mukhang kailangan ko munang magpaalam sa jail (kung kailan nagsiseryoso na ako sa apostolate. heheh.) Mangangaroling kasi kaming mga seminarista kaya mamimiss ko talaga sila. Babawi na lang sa January.

Here Come the Carolers!

“Here come the carolers,

Singing on their way,

Telling all the Christians the joy of Christmas Day.”

Hahah.. Nakakmiss ang SAS.. Ganitong panahon, pukpukan na kami sa practice para mag-caroling sa Manila.. Palagi akong excited. S’yempre ilan lang ang napapasali sa special choir at ilan lang ang nabibigyan ng opportunity para mag-caroling sa Manila area at makatulong sa SAS.

Ngayon sa SASMA naman. Bugbog din sa practice. Ako pa ang magtuturo. Pero iba ung feeling nung College pa lang ako. Noon excited. Ngayon, hindi masyado. Heheh. Sawa na kasing magpabalik-balik sa Manila. ‘Di tulad nung sa SAS, minsan lang makalabas kaya pinaka-aabangan talaga.

Pero ganun pa man, bigay pa rin ng buong sarili para sa pagpa-practice.  Hahah. Ang kalaban ko nga lang ngayon, lagi akong inaatake ng aking ubo. Sana mawala na. Next week na ang start namin eh. At bigatin talaga ang mga pupuntahan at kakantahan namin. Kami ang mga tinatawag na professional beggars. Hindi tumatagngap ng barya. Hahah. Adik.

Para sa SASMA practice muna kahit di pa talaga kaya ng boses lalo na kapag inatake ng ubo.

“Amor animi arbitrio sumitur, non ponitur.” -Syrus

(We choose to love, we do not choose to cease loving.)

“‘Wag mong hanapin ang kaligayahan mo sa ibang tao, mahihirapan ka lang pag iniwan ka nila.” -Jeanne_Bunso

Reblogged from I'MPOSSIBLE

Mga Bagay na Mami-miss Ko…

1.  Ang laptop ko.

2.  Ang laptop ko.

3.  And laptop ko.

heheh..